Tuesday, July 12, 2011

Ok Lang Ako

 Isang araw, palabas ako ng Shangri-la mall nung makita ko sa Sir Ogie Alcasid at Ma'am Regine Velasquez na bumibili ng frozen yogurt. Lumapit ako at nag-hello.

After ng konting kamustahan, nakwento nila na nagrerecord ng bagong album si Ma'am Regine at tinanong nila ako kung pwede ko ba daw sya gawan ng kanta.

Sabi ko "Ayoko."   Joke lang…syempre sabi ko oo.
Nag-isip ako ng kanta na pwedeng kantahin ni Ma'am Regine.

Syempre hindi naman pwedeng kung anu-ano lang...una kasi sya si Regine Velasquez, pangalawa, babae sya...(di naman pwedeng tipong "Don't Touch My Birdie" ang ibigay ko, diba?)  So i came up with a song na sa tingin ko ay pwedeng manggaling sa point of view ng isang babae at tingin kong babagay for Ma'am Regine.
The song was "Ok Lang Ako"

It was a simple ballad na chill lang buong time, tapos may drama at birit sa dulo ng kanta pagdating ng climax...very Regine. So gumawa ako ng demo at ine-mail ko kay Sir Ogie.  He told me that Ma'am Regine loved it.

Problem is, so did I.
Sobrang nagustuhan ko yung ginawa kong kanta...kahit point of view sya ng babae nung sinulat ko, narealize ko na pwede rin syang point of view ng lalake.  Nahiya naman akong bawiin....
(dati kasi, nagpagawa na ng kanta si Ogie kay Gab, pero nung natapos yung kanta, di namin binigay kasi nagustuhan din namin masyado...pero that's a different story...)
Since sobrang nagustuhan ko rin yung nagawa kong kanta, i asked them kung ok lang ba sa kanila na isama namin yung version namin sa bago naming album.

Pumayag naman sila. :)

(...buti nalang pareho kaming Universal!)

So we did...sinama namin sa album yung mismong demo recording na binigay ko kay Ma'am Regine.

At tingin ko, isa 'to sa mga pinaka magandang kanta sa album.
Shared by @chitomirandajr via PNE FB Fan Page
 Credit to melchorramirez86 for the video via youtube.
 
<BACK TO MUSIC TRIVIA>
 

7 comments:

carmylcarmona said...

wow excited na ko sa kantang yun kung anu man yun..alam kong mahihit tlga yan.

tamala said...

Hanggang dito sir Chito, abot ang sinag nang puspos mong binigay na talento nang Maykapal, mabuhay ka at sana dumami pa ang Pilipinong katulad mong sumulat nang Orihinal na obra sa larangan nang Musikang Pilipino...

pedring said...

astig din yung version ni Ms. Regine! idol ka talaga keep it up, very sincere song

hansel said...

kung saan man tutungo..
isipin lang na kami any nandirito..
handang sumuporta sa inyo..
PNE walang tatalo...
:))

Mheiya said...

so simple yet touching...

yahman woah said...

ganda nga ng song na to, parang connected sa halaga song.

Jelito Alfaro Jr said...

This song is one of my favorites.

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More