Tuesday, July 12, 2011

It's Electrifying

Dati, dun mismo sa Remy Field sa Subic muntik na akong mamatay...

Dati kasi, trip na trip kong akyatin yung mga matataas at malalaking speakers....
Wala namang ulan nun pero nung sinubukan ko umakyat ng speakers, naramdaman ko nalang na biglang nanigas yung buong katawan ko...Yun na huling kong naalala...
Nakuryente ako at nawalan ako ng malay.

Nagkamalay nalang ako na nakahiga ako sa stage sa ibabaw ng isa naming staff na bumagsak din.... Tuloy pa rin yung mga kabanda ko sa pagtugtog.

Akala nila nangungulit lang ako.

Akala naman ni Kaye (na nanunuod sa gilid ng stage) na ngumingiti lang ako sa kanya ng gigil na gigil.  Di nya alam...naninigas na pala ako nun.
Yung isang staff lang namin yung nakapansin that something was terribly wrong.  Niyakap nya ko mula sa likod at hinila mula sa pagkaka-hawak ko sa mga bakal na pinapatungan ng malalaking speakers... Nakuryente din sya pero pinilit nya pa rin akong kunin. Pareho kaming nakuryente at bumagsak. Panandalian din syang nawalan ng malay.
Patapos na yung kanta nung nagising ako. Bumangon ako at kinuha ko yung mic sabay kanta.... Natapos naman namin yung kanta at yung buong set. :)

Wala namang nangyari sa akin after. Di ako nagkaroon ng super powers o kahit ano. Parang humawak lang ako sa ref na may ground...pero SOBRANG LAKAS.

Mabuti nalang hindi madaling mamatay ang masamang damo.

Tenkyu Lord.
Shared by @chitomirandjr via PNE FB Fan Page.
 
<BACK TO STORY LIST >
 
 
 

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More