Pangalang nya "Michelle"...
Hindi naman sya maganda... cute lang.
Anyway, tropa lang talaga kami at araw araw kaming magkasama... pero everyday na nakakasama ko sya, parang napansin ko na dahan dahan akong nadedevelop...
Since kabarkada ko naman si Michelle, and since close talaga kami, kaya ko syang biruin at daanin sa mga pa-cute na hirit na may gusto ako kunyari sa kanya... palagi ko syang tinutukso sa akin. Hehe!
Tatawa lang kami at ng mga kabarkada namin...
Di nila alam na may gusto pala talaga ako sa kanya.
Since parang joke lang palagi yung mga hirit ko, nahirapan akong aminin na siryoso ako... I really wanted to tell her.... Pero ang hirap humanap ng timing.... at sa isang torpeng katulad ko, NEVER dumadating ang tamang timing.
Hanggang nakita ko nalang si Michelle na may ka-holding hands mula sa kabilang section.
Patay. Para akong sinuntok sa dibdib. Bakit wala akong ginawa?!...
Na-isip ko "kelangan ko ipa-alam ang tunay kong nararamdaman"
I wrote her a letter. I told her everything... na matagal na akong may gusto sa kanya. Napa-i love you ako ng di oras sa letter ko sa kanya.
Nilagay ko yung sulat sa bag nya. Kina-usap ako ni Michelle after nya mabasa yung sulat ko. Tinanong nya ko kung siryoso ba talaga ako sa mga pinagsasabi ko sa letter.
Sabi ko oo.... Di sya naniniwala.
Kasi kung totoo daw yun, i would've done something about it.
Feeling nya tuloy ginagago ko lang sya at parang di nalang nya pinansin yung mga sinabi ko sa sulat.
Mula noon, hindi na kami tulad ng dati...
Lumipas na ang panahon at may asawa na si Michelle, and we've remained good friends hanggang ngayon.... Pinagtatawanan nalang namin ngayon yung mga nangyari nung college pa kami. At proud naman sya na may dalawa akong nagawang kanta para sa kanya.
"Maniwala Ka Sana" at "Sayang" :)
Shared by @chitomirandajr via PNE FB Fan Page
Credit to Ralhikanz and vegecrisps for the video via youtube.
7 comments:
ahhh.... how sad... ganyan talaga ang buhay... T.T
nice story sir.chito..ehhehe
ang ganda ng kanta . ang ganda din ng story behind . thumbs up !
woah. from the heart ang kanta kaya pala ganun kaganda, di na mawala sa isip namen. tinde, sana naging clasmeyt kita hehehe.
sayang xD
Kakarelate ako sa story ah. Ahaha...sana dumating din yung time na tatawanan nalang namin ang mga nangyari.
Magkahawak ang inyong mga kamay, ang dibdib ko ay sumikip ang paglunok ko ay naipit.
Post a Comment