Monday, June 27, 2011

Sampip

Dati, may nagawa at napagtripan akong chord pattern sa gitara na paulit-ulit kong tinutugtog.

Enjoy na enjoy akong tugtugin pero di ko malagyan ng words at lyrics kaya binigay ko kay Gab kasi baka sakaling malagyan nya ng words, lyrics at tono....
After a few days, binalik nya sa akin yung kanta...kumpleto with lyrics na may magandang tono.

kulang nalang title...
Nagandahan ako sa kanta pero may gusto akong palitan at idagdag sa kanta kaya gumawa ako ng sarili kong version.

We could not decide which version to use sa album kasi parehong nagustuhan ng mga kabanda namin....
We decided to include both.

Kaya nagkaroon ng dalawang versions ang "Sampip"
Actually, we came out with 5 versions:

3 sa Buruguduy:
"Sampip"-full band, ako kumanta.
"Sampip ni Gab"-acoustic guitar lang, si Gab kumanta
"Sampip All"-acoustic guitar lang, lahat kami kumanta (cassette)

1 sa Jingle Balls:
"Christmas Bonus"-version ko ng "Sampip", acoustic full band set up.

1 sa "Akustik Natin 2":
"Sampip ni Gab" pero ako kumanta.
 
Shared by @chitomirandajr via PNE FB Fan Page
 Credit to Jandrew1489 for the video via youtube.

3 comments:

Ronna said...

ang raming vesions hah... hahaha... pero kahit ganun... nanfyan parin ang banda... hanga talaga ako sa PNE

worldkoto said...

for me ung pinaka malupet na version ay ung
"SAMPIP all".. napakinggan ko lang un sa tape ng kadormate ko, dahil nagus2han ko lahat ng songs sa burugudys hnram ko ung tape. naisauli ko lang ung tape after 2yrs nng ggraduate na ung roomate ko ng hs.
nng college ako naghahanap ako nng tape na un sa mall, wala ako nakita. at kung may makita man ako, 4 sure d ko un magagamt dahil sa wala akong walkman. so naghanap ako sa net. WALA PA DIN! amft nawalan na ko ng pag asa.. para sakin ung kanta na un ay parang isang theme song ng barkada, sa dorm namin dati naging theme song na un dahil paulit ulit namin kinakanta.
sir chito kung mabasa mo man to, hope na grant mo request ko. pashare naman ng "SAMPIP ALL" version. nakumpleto ko na album ng PNE kaso d ako satisfied until d ako magkaroon nng version na un!!!! pramis! ;)
salamat!!!! pne rocks!!!

yahman woah said...

Inspired ako sa song na to, kaya nung natuto ako maggitara pinagaralan ko agad to. Sampip, Sampipolabshus. HIHIHI. Naalala ko date me mga commercials pa ang parokya after each song sa album,, and it was funny. promise. ^_^

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More